Kaye, nanigarilyo ka ba?
One thing I noticed about my college is that halos lahat nagso-smoke. Like 4 out of 5 students do it on a daily basis, some even finish 2 packs (40 sticks) a day. Just imagine the amount of nicotine sa mga sistema nila. Geesh.
So anyway, medyo nabo-bother ako dahil sila ang makakasama ko throughout my college life. Naalala ko yung kinwento sakin ni Mama, noong college daw siya ay natuto siya dahil lahat ng friends niya ginagawa yun. she warned me na hindi ko dapat i-try. I never want to, kaya dapat talaga maging firm ako in saying no to cigs and to my buddies. Eto pa, hindi man ako mahawa sa kanila, kamusta naman ang second-hand smoke?
(Habang nakatambay kami sa college steps kahapon)
Girl bud: wanna try? (nag-offer ng cig niya) BI e no?
Me: no thanks, nakakataba yan pag nag-quit. Ayoko nga tumaba di ba?
Boy bud: ha ha nakakapayat kaya ito, hindi ka na makaka-kain…
Me: e bakit ang taba mo?
Boy bud: *laughs*
Wag, ka magpapadala sa peer pressure ha, wag mong i-try!
Salamat sa mga nag-aalala kong groupmates sakin, at least diba may ilan pa naman na hindi gumagawa nun. Say no to Cigs!