<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d18562964\x26blogName\x3dHey!\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://kiddykookie.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://kiddykookie.blogspot.com/\x26vt\x3d-2552456374051861252', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>










Friday, September 19, 2008 •

Kaye, nanigarilyo ka ba?

One thing I noticed about my college is that halos lahat nagso-smoke. Like 4 out of 5 students do it on a daily basis, some even finish 2 packs (40 sticks) a day. Just imagine the amount of nicotine sa mga sistema nila. Geesh.

So anyway, medyo nabo-bother ako dahil sila ang makakasama ko throughout my college life. Naalala ko yung kinwento sakin ni Mama, noong college daw siya ay natuto siya dahil lahat ng friends niya ginagawa yun. she warned me na hindi ko dapat i-try. I never want to, kaya dapat talaga maging firm ako in saying no to cigs and to my buddies. Eto pa, hindi man ako mahawa sa kanila, kamusta naman ang second-hand smoke?

(Habang nakatambay kami sa college steps kahapon)
Girl bud: wanna try? (nag-offer ng cig niya) BI e no?
Me: no thanks, nakakataba yan pag nag-quit. Ayoko nga tumaba di ba?
Boy bud: ha ha nakakapayat kaya ito, hindi ka na makaka-kain…
Me: e bakit ang taba mo?
Boy bud: *laughs*


Wag, ka magpapadala sa peer pressure ha, wag mong i-try!

Salamat sa mga nag-aalala kong groupmates sakin, at least diba may ilan pa naman na hindi gumagawa nun. Say no to Cigs!





Wednesday, September 17, 2008 • huwag hukayin ang Bgy Hukay!

(warning; long picture post!)

Noong nakaraang sabado at linggo ay nagkaroon kami ng immersion / field exposure sa Calatagan, Batangas. Masasabi ko na isa ito o kung hindi man ang pinaka-masaya, enlightening na trip na nagawa ko sa buong buhay ko. Nagawa kong isantabi ang aking mga personal na problema at buksan ang aking isipan upang maging malay sa problema ng ibang tao at komunidad. Bukod dito ay nakilala ko ng lubusan ang ilan sa aking mga kamag-aral at masasabi ko na naging kaibigan ko sila dahil dito.

In short, holy macaroni! sulit ang trip na ito, I love CD!

Ang pangunahing ikinabubuhay ng mga naninirahan sa Bgy. Hukay sa Calatagan ay ang pagtatanim / pagsasaka sa kabundukan at ang pangingisda sa may dagat. Ngunit dahil nakakapasok ang mga malalaking barko sa kanilang pampang ay nauubusan sila ng ikinabubuhay sa dagat. Kaya umaasa na lamang sila sa kanilang mga pananim bilang pagkakakitaan. Ang kinikita nila dito ay hindi na nga sapat para matugunan ang kanilang pangangailangan ay naka-amba pang kunin sa kanila.

Ito ay dahil inangkin ng panginoong may-lupa ang mga bundok na pinagtataniman nila at miminahin para kunin ang mga apog (limestone) na naka-imbak dito. Sinasabi na ang minahan ay magbibigay ng trabaho para sa mga taga Bgy. Hukay, pero pano na lang kung wala ng makuhang apog sa mga bundok na ito?Tapos na rin ba ang buhay para sa kanila, ano na lamang ang epekto nito sa kanilang hanap buhay at kalusugan?

Ang sakit isipin na isang araw ay bigla na lang may mga taong kukunin ang tanging ikinabubuhay mo at iiwanan ka pa ng tiyak na pabigat sa iyong buhay. Nagpapasalamat naman ako at natutuwa dahil kahit ganito ang sitwasyon ay handa sila na makipaglaban para sa kanilang karapatan sa lupa, lalong lalo na ang mga kabataan (ages 13-20). Umaasa ako huwag matalo sa labang ito ang mga taga Bgy. Hukay at asahan ninyo na andito kami na sumusuporta sa labang ito.

(most pictures are from my CD classmates. thanks!)

with my classmates sa forum sa Balayan, Batangas

bored. so naglaro muna kami ng kung anu-anong games. look, I won!

sa aming 'headquarters'. nang dumating na kami sa Calatagan. around 6pm

girls sa beach

next morning. mala- New Zealand na bundok na miminahin for limestones.

lahat kami excited, ang ganda ganda kasi diba?

fun in the sun with my family

Oh noes. 4-hour na paglalakad sa maputik, mabato at madulas na bundok. marami ang nasirang havaianas dahil dito.

breathtaking.

yaay. tired pero masaya!

with our host family plus mga kabataan sa aming bahay




 
C is for Cookie ♥