<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/18562964?origin\x3dhttp://kiddykookie.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>










Tuesday, June 19, 2007 •

Hello everyone! whoaa... three days na pala ako dito sa Los Banos. Masaya naman dito, major exercise ang paglalakad tska masyadong magastos pag jeep ka ng jeep. Marami na rin akong na-meet na blockmates, classmates, roomates and dormates. and uhmm, ako ang may pinakamagandang schedule, cos wala akong pasok ng fridays, so that means na pwede akong umuwi ng thursdays and makakabalik ako dito ng monday morning. yee.

let me share to you guys ang mga nangyari sakin dito. :)

sunday - Hinatid ako ng family ko dito sa LB and we had lunch sa LB square after naming ilagay ang gamit ko sa dorm. then nagkaroon kami ng campus tour by block, so yung family ko ay namili muna sa robinson's ng ilang things ko. sa campus tour ko na-meet ang mga blockmates ko, made new friends - joyce and gary. and salamat sa parents ko dahil inayos nila yung desk ko sa dorm, kadiri kasi nung una, pero ngayon ang ganda na.

monday - nagkaroon ng freshmen convocation, may libreng breakfast dahil nagpakain yung mga orgs, frats, soro and may activity thing pa. Kasama ko sila bethel, ducielle and nicole, sumama din samin si carl at umupo kami sa semento sa harap ng stage. Nagkaroon ng power memory kind of game and nag volunteer kmi na magbigay ng ilang words na isasali; "castrato" ang "musical orgasm" naalala kasi namin yung farinelli (sp?). tawa kami ng tawa the entire time, tska kasi kami lang naman ang nakakagets nun, so there. and habang nakaupo kami sa semento, (carl, nicole and me) may photographer na kumuha samin ng pictures. sheesh.

went to LB square alone para mag lunch and to check sa internet shop. then pumunta na ako sa class ko which is Psychology. may naging friends din ako dun, si cyndelle and erika. lumipat pa kami sa kabilang building kasi nagpalit pala ng room assignments. akala tuloy namin late na kami, eh wala namanf Prof. na dumating. then nag-meet kami ng mga blockmates ko para hanapin yung sociology orientation. ayus naman yung orientation, mas naintindihan ko na ngayon at nagustuhan ang course ko. yee.

pumunta ako sa robinson's para mag shopping sana, kaso wala akong mapili since wala masyadong shops dun. binisita ko yung boston cafe and bumili ako ng choco chip frappe at naglakad ako papunta sa LB square. nag dinner sa hot plate then diretso na sa dorm.

Sinundo naman ako nila bethel and tumambay kami sa recreation room. dumating si carl and yung roomate niya and tinawag namin siyang "Jope" ( realname: Joseph Peralta). Nung una ayaw niya, pero napilit din namin siya. hahaha. Pupunta din sana kami sa unit nila kasi ipapakita niya samin yung picture ng girlfriend niya, kaso yung guard ng whistle samin at hinabol kami habang sumisigaw sa amin. nagulat kami so tumakbo kami, good thing malapit lang yun unit nila bethel.

geesh. akala talaga namin laghot na kami.

anw ang haba na ng kwento ko. yaaaaay. bukas may klase na so yun, medyo kinakabahan na ako. Uuwi na ako sa thurs, kaya Jodi and Joe yung usapan natin ahh.. pasalubong? anyone? lol.
ps: wala nga pala akong dalang phone, so kung may nagtetext sakin sorry.. sira kasi yung motorola phone ko, and hindi naman ako pinayagan na dalhin yung SE kasi madaming magnanakaw dito. :(



 
C is for Cookie ♥