<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/18562964?origin\x3dhttp://kiddykookie.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>










Wednesday, April 18, 2007 •

:(

Mahirap iwanan ang paaralan na nagsilbing pangalawang tahanan na nag-aruga sa akin sa loob ng 11 taon. Mahirap iwanan ang pamilya na aking natagpuan sa katauhan ng aking mga kaibigan, kaklase at guro. Mahirap iwanan ang mga alaala ng pinagsamahan natin. Mahirap iwanan ang institusyon na nagbigay sa amin ng kalayaan upang maipahayag ang damdamin at nagmulat sa amin sa katotohanan.

Pero kahit saan man ako mapunta, baon ko ang mga aral na ibinigay mo sa akin. Panatag ako na makakaya ko ang mga pagsubok na darating sa panibagong yugto ng aking buhay. Panatag ako na andiyan pa rin ang aking pangalawang pamilya upang sumuporta at gumabay sa akin.

Tae.ayoko na, naiiyak na ako.

Babalik balik pa rin ako sa UPIS.

Sa pamilya ko sa UPIS – sana huwag niyo akong makalimutan. Sana maalala niyo na minsan sa buhay niyo ay may nakilala kayo na Kaye na kahit minsan ay napangiti at napasaya kayo. Hindi ko kayo malilimutan, Mahal na Mahal ko Kayo..

Hanggang sa muli..




 
C is for Cookie ♥