expectant
I was supposed to write a whoo-akalain-mo-I-passed-the-UPCAT entry. kaso ewan..
Wow. Excited na ako mag kolehiyo, pumunta sa Los Banos at mamundok. Doon ako titira, alone. magiging free and independent. new environment, fresh start, definitely marami akong matutunan doon. Maraming taong makikilala, and never pa akong nakarating sa Los Banos.. Ayon sa mga cousins ko na nag LB, magugustuhan ko daw dun.
Kaso Kaye, gumising ka, hindi ka nga marunong maglaba at magplantsa tapos picky eater ka pa. (parang bata lang eh no), walang magluluto dun ng pagkain para sa iyo. Hindi ka rin mabubuhay ng walang computer, as if naman madadala yung mo yung desk top doon. (I desperately need a laptop) and magiging problema ko ang gastos at pera, siyempre hindi ko kasama ang parents ko at kailangan kong umasa sa kanila. Mamimiss ko ang lahat ng meron dito, yung family ko, friends, cousins, doggies, hottas, etc.. at wala akong kilala doon, bukod sa mga dating taga UPIS at sa 2nd cousin ko na hindi ko alam ang first name. Eunice ba or Hazel.. argh.. I dunno.
nag-usap kami ni Pop, konting plano sa magiging buhay ko kapag doon na ako mag-aaral. Buti na lang at pinapayagan na niya ako sa LB, mabuti daw yun kasi para sa akin. Maganda daw kung titira ako sa isang apartment kung saan kaunti lang yung makakasama ko unlike sa dorm. Pero ayaw ni Mama and ni tita Jennifer, hindi daw safe kasi ang apartment and pag nag dorm ako, may curfew pa. hindi naman ako batang pakawala ahh.. hindi nga ako lumalabas ng bahay eh. tsaka marami daw akong magiging friends kapag nag dorm ako.
Hindi ko rin pala masyadong poproblemahin ang pera. Ibibigay sakin ni Pop yung isang atm niya and hiwalay ata ang food allowance ko sa pang araw-araw.. thank God. Sabi ni Pop, pwede daw ako magpalaba sa laundry shops, kaso magastos yun. Matuto ako ngayon maglaba! And sabi sakin ni tita Mira, padadalhan niya daw ako ng Athleta tops para may pambahay ako sa dorm. (athleta, pambahay…?!! Nooo..you gotta be kidding tita dear). And at least once a month ay uuwi naman ako.. diba diba. and sure na mag LB din si Bethel.
oh and I can join soro pala. may gusto na nga ako since I was a kid, pero bahala na. gusto pang i-appeal ng parents ko na sa Diliman na lang ako, pero.. uhh.. mas gusto ko sa LB.