Saturday, January 27, 2007
•
No Shit!
College First Choice: College of Education Course: Nutrition and Dietetics Instruction : For interview College Second Choice: College of Science Course: Psychology Instruction: On waiting List effer. so I didn't exactly pass USTET, hindi rin ako nag fail. so what?!! wala rin naman akong balak mag UST. masyado siguro akong naging kampante nung exam (I was playing pacman arrangement sa gameboy SP ko and kumakain during the entrance test) plus tawa pa ako ng tawa, yung questions kasi eh. 1 Kg is to how many grams? oh well. patuloy kong kakantahin ang UP naming mahal.
•
expectant I was supposed to write a whoo-akalain-mo-I-passed-the-UPCAT entry. kaso ewan..
Monday, January 22, 2007
•
UP all the way!
Name - Kiersten Anne Antonio Banacia whoooo.. nagulat ako nung may nareceive ako na sms from Dids. yaaay. pasado ako! *edit 51.5% ng mga UPIS '07 ay pumasa.. 11,417 lang ang nag qualify (ininclude ko yung pending and waitlisted) out of mga 70,000 plus na nag take ng UPCAT. Oh golly! 16%!!! I phoned my mom kagad, whoo. Dumaan ako sa English dep para ibalita kila Ma'am Rhea, and nagtatalunan/ nagsisigawan/ nagpapalakpakan sila nila Ma'am Anasta and Prof. Resuma. Awww.. mas masaya pa sila kaysa sa akin. And then yung mga friends and classmates ko, nagsipasahan din. Feel na feel namin ang pagkanta ng UP naming mahal. sweetest na pagkanta ever, na nagkamali mali pa kami. postponed ang longtests, suspended ang mga klase. buong UPIS '07 ay pumunta sa Admin para tingnan yung results and andun nga ang name ko.. wow. Dumating pa yung parents ko.. yaaay. Yaay. Gusto kong magpasalamat, God. Salamat po talaga! yeee!
Wednesday, January 17, 2007
•
:x
We had our NCAE kanina, and and.. nung Monday lang kami na-inform na kukuha kami ng stupid test na yun. Went gaga sa pag fill-out ng answer sheet, itanong daw ba kung out of school youth ka at isa-isahin ang mga gamit sa bahay niyo. The exam was uber uber easy (partida hindi kami nakapaghanda, hindi katulad ng ibang schools na may mock exam pang nalalaman) yung total time nung exam ay 51/2 hours yata and natapos namin ng mga 3 hours lang (more or less...). Kinarir(sp?) nung iba, gusto ata nilang i-perfect yun. 11:30 pa lang, halos lahat ay tapos na. May experiments pa dun sa Science na ginawa namin nung grade 3 pa lang kami, oh geesh. So dahil maaga kami natapos, andito kami ngayon ni Dids sa Katips. Napadaan kami sa gilid ng NBS and nakita ko bigla si Enchon sa Jollibee, and nung napadaan naman ako sa Mcdo si Coñang naman ang nakita ko. Whoaaa. cousins. I told her na nakita ko lang si Enchon, so pinuntahan namin si kuya. Pinakilala samin ni Ench yung mga girls na kasama niya at yung GF niya, ( 4 girls lang naman) and nakakatawa kasi hindi niya alam yung name nung isa. Dids and I had our lunch sa Mcdo. Pinuntahan pa ako ni Ench doon para magpaalam at itanong kung hindi pa daw ba ako uuwi, inasar-asar and buti hindi ako pinagalitan (pinagsasabihan ako na wag na daw ako mag mcdo). Awww... Pero may utang ka sakin kuya dear, you made a promise na kapag nakita kita sa Katips, ililibre mo ako. Nasan na ang donuts ko?! Hahaha. Yikee.. gotta go, hinahanap na ako ng nanay ko. Sabaw na naman ako. love-struck. yaaaay.. after 3 months.. :x *faints...* Oh and hello nga pala kay Jocay and Jodi, sabi nila madalas sila dumaan dito eh. Pero hindi naman nagtatag. Tsk tsk..
Wednesday, January 10, 2007
•
bummer
wala pa akong nagagawang homework (bukod sa vocal music), napadpad ako sa isang lugar kung saan tinatawag na "bola" ang shuttlecock. kung saan pipilitin kang ngumiti ng photographer kapag nagpakuha ka ng id picture, at matatakot sila kapag tiningnan mo sila ng masama. kung saan pagtitinginan ka ng mga tao kapag sumigaw ka gamit ang ibang lenggwahe, at sisimple sila na hindi ka nila napansin kapag pinanlakihan mo sila ng mata. pucha yan. I love this bag. nabili ko ata yan nung August. and nabili ko naman ito kanina.. yee! :) okaaay. hindi naman ako ganun kababaw, pero wala lang.. natuwa lang ako masyado. oh and natapos ko na nga pala yung eleven minutes ni Paolo Coelho kahapon. dapat makita niyo kung paano ako tinitingnan ng mga tao nung nalaman nila na binabasa ko yung book na yan. plus yung.. "whoaa.. nagbabasa ka niyan?" "alam mo ba kung bakit eleven minutes!!?" "diba bastos yan..?!" "uy maganda yung book na yan!" hahaha. magaling talaga si Paolo Coelho na-elibs ako kung pano niya nasulat (kahit may pinagbasehan siya) yung diary na parang babae ang sumusulat. must read! yun nga lang kung masyadong sarado ang utak mo at sasabihin mo na kabastusan lang yung book, wag na lang kasi madami talagang love scenes. (buhay ng prostitute eh). and and.. ang ganda ng ending.. :) kailangan kong magbasa at magbasa. kailang ko ng ibang gagawin bukod sa pagtambay sa harap ng PC and naiisip ko na ang pagbabasa lang ang tanging makaka-alis ng atensyon ko sa tapat ng PC. may ilang books pa pala ako diyan, and hindi ko pa nga pala nabubuksan yung "to kill a mockingbird" ko. nabasa ko na rin pala yung "the palanca in my mind" kagabi.. pinabasa kasi sakin ng Director namin na si Ruben. nakakatuwa naman pero hindi pang school play siguro. and sa palagay ko mahihirapan tayo (fildrama) kung gagawin yun dahil sa pagpalit palit ng setting. argh. kailangan ko nang gumawa ng HWs.. baboosh.
Friday, January 05, 2007
•
Gerontophobia
Back to school. kwentuhang walang katapusan... and napag-usapan ang college entrance tests. Uh.. oh.. may nagsabi na this weekend na daw yung results ng ACET. Oh geesh. Yay. Ang galing namin ni Elene, habang nagre-recite ng panatang makabayan nung flag cem ay nagkekwentuhan kami.. yaya. nakakatawa ang nangyari sa isang class namin, kung saan inayos kami alphabetically.. *pumasok si classmate 1 at umupo sa pinakamalapit na upuan na nakita niya – 20 mins late* ST: uhhh.. at sino ka? (tinatanong siguro yung lastname para mabigyan ng upuan) Classmate 1: uhh.. Classmate 2: Sir, hindi mo ba kilala ang Chancellor? (pamangkin si classmate 1 ng Chancellor ng Univ. ) ST: *tumingin sa class record – nakita niya ata yung name ni classmate 1* (namutlaa…) hahahaha. mukha naman siyang may alam - Kaye (hahaha.. ang nagustuhan ko sa ST namin) ****************** oh and few days ago na-realize ko na ang swerte ko pala dahil tandang tanda ko ang aking childhood memories.. siguro mula nung ako'y 3 yrs old.., natatandaan ko pa lahat.. yep. weird. pero ewan malinaw na malinaw pa sila lahat sa alaala ko eh. bigyan mo ako ng picture at sasabihin ko sayo ang kwento sa likod picture na yan.. o siguro tinatandaan ko lang kasi ayokong makalimutan, dahil yun na yata yung pinakamasasayang araw ko.. 'young. innocent. carefree' haha. yada yada. oh. gawa ulit ni didz. yay. salamat sa lahat ng cookie monsters.. yay. (click to see full view)
Thursday, January 04, 2007
•
My first 2007 entry.
Our new year was okay..thank God wala namang naputukan or something, may ilang pang boxes ng piccolo na hindi nagamit ni Keith. Hindi katulad nung bata ako na sinasalubong ang new year sa labas ng bahay at nanonood ng fireworks, nag stay ako ngayon sa loob, sa tapat ng computer. Maraming hinandang food ang Mom ko, yun nga lang.. brownies lang ang kinain ko. Buong Christmas break ay nagpupuyat ako, kadalasan 6 am na ako natutulog. Blame RX 93.1, yung slumber party nila na 5-6 am, ang kulit kasi eh. naaliw ako. Hinintay ko ang sunrise, gusto ko sanang makita ang first sunrise ng 2007. dahil.. ewan, maraming magbabago sa year na ito eh. gawd, I’m not yet ready.. tsk.. This January na lalabas yung results ng USTET and ACET, sana pumasa ako (kapag hindi ako pumasa ng USTET nagkakalokohan na ang mundo… seryoso.) pero mas inaalala ko ang UPCAT na lalabas na sa February, kapag hindi ako pumasa, lunurin niyo na ako. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag hindi ako pumasa, lahat sila nag-eexpect na pumasa ako, (yay. Kapag pumasa ako, trip to HongKong ang ibibigay sakin ng Lolo ko) sinasabi nila na kayak o daw.. pero pano kapag hindi. Pano kapag bumagsak ako sa UPCAT. Oh gawd. Last week yata yun nung nanaginip ako, nasa isang room daw ako sa dorm,.. kamukha ng room yung room sa Madeline (yep. Yung cartoons.), 5 daw kaming taga – UPIS dun sa room. Ewan. Basta ang lungkot ko daw dun sa dream na yun. Hmmm. Dorm.. sa Los Baños, ba yan? Kasi dun lang naman ako makakapagdorm.. if ever.. sheesh. Nakakatakot. Oh well, Mom told me na kung makapasa man ako sa UP LB, baka mag stay ako sa house nila tita Jennifer since baka mag-settle na sila dito sa Pinas. Tinatapos lang ata nila yung term na ito nila Bianca and Carla sa Germany. Sana.. Oh gawd. 2 ½ months na lang and tapos na ang buhay ko sa UPIS, kahit excited na ako kumawala sa hawla kung saan ako nakulong ng 11 taon, natatakot pa rin ako.. baka hindi ako makalipad pag-alis ko. Hahanaphanpin ko kayo.. for sure.. hahaha.. ill save my 'farewell UPIS' entry sa graduation, so ill stop na muna.. Okay. Yun na muna for now. May nanggugulo sakin eh at may pasok na bukas. |
|
C is for Cookie ♥ |