Have a merry Crisis-mas Ako dapat ay nasa Zambales ngayon, sa resort ni tito David at uma-island hop. Ngunit sa kasamaang palad ay naririto ako sa aming bahay at nilalabanan ang pagkabato sa pamamagitan ng pagbabasa ng PDLT notebook ko.
Hindi ko maramdaman ang presence ng Pasko. Okay so may Christmas tree sa living room namin, may mga bata na kumakanta ng boom tarat sa harap ng bahay, may nakikita akong mga Christmas decors sa paligid. So yun na ba ang Pasko? Yun na yun?! Whapakk!
Walang pasko pasko! Naghihirap ngayon ang mga tao, naghihirap at nagugutom ang mga Pilipino. Habang karamihan sa atin ay busy at namomroblema sa pamimili ng pang Noche Buena at pang pangregalo sa mga mahal sa buhay, karamihan sa mga Pilipino ay pinoproblema ang kakain nila bukas. (Gawd, para akong si Ma'am Manzano dun ahh..)
Nung naglalakad ako sa Katipunan, may batang nanghingi sa akin ng pera, bibigyan ko sana kaso ipang-yoyosi niya lang eh. ayos nga naman, wala kang pang-kain pero meron kang pera pambili ng yosi at pangkulay ng buhok mo!
***
may
problema ako at hindi ko maipaliwanag kasi hindi ko rin alam kung ano.
weird noh? basta pakiramdam ko may mabigat akong pinapasan na hindi ko alam kung pano sosolusyunan.
baliw na ako inom kaya ako para makalimutan ko kahit sandali.. tsk tsk. kaso hindi ako marunong uminom eh at ayoko uminom. ta-taba na naman ako, wag na!
gift kay keith nung may crush sa kanya, akin na 'toh.