<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/18562964?origin\x3dhttp://kiddykookie.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>










Tuesday, December 26, 2006 •

being sick on Christmas sucks.

Badtrip na umaga at sakit ng ulo ang breakfast ko. Went to my grandparents' house sa Manila. Impyerno ang 1 hour na trip sa cab dahil hilong hilo na ako. Good thing may dala akong Vick's vapor rub, kung hindi ewan ko na lang.

Had fun with my cousins as in fun fun fun.. My Goodness. tuluyan ko nang nakalimutan na masakit ang ulo ko at nahihilo ako. Riot na naman dahil samin ni Ate Cams, nangulit kami and lahat ata ay tinawag namin na ninong at ninang. Apir! Nagluto yung tita ko ng Chicken relleno. Heaven.

Then we went to San Juan, sa house nila tita Cita. Sinalubong ako ng sandamakmak na hugs n kisses mula kay Mamang, Tita Cita and Tita Jennifer dagdagan mo pa ng mga papuri.. haha. Reunion talaga kasi dumating na sila Mamang from Gen San, yung mga cousins from Laguna and yung mga galing ng Germany.

Around 7 pm, nagpasama ako kay Keith sa Katip, at first ayaw talaga kami payagan ng parents namin. pumayag sila after naming i-assure na uuwi kami kagad and kinailangan kong i-surrender yung necklace and rings ko plus phones ko. Mahirap na daw dahil maraming magnanakaw na nagkalat. Nagbabad lang kami ni Keith sa starbucks since sarado ang National bookstore at Cello's.
Sayang. bibilhan ko pa naman sana ng donuts si Mae and Angel.

(1. Keith and I sa LRT2 2. shoplifters. hahaha.)












Party na ng BaƱacia, kaso wala ako sa mood makipag-mingle sa cousins kasi pagod na ako at ang sakit na talaga ng ulo ko. Hindi dumating yun mga taong ineexpect ko na pumunta, sinubukan kong magstay hanggang kaya ko. 11 pm nagpaalam na ako na uuwi na ako. Eh kaso biglang nagkayayaan na sila na umuwi na rin..


cousin dear: ikaw kasi ate Kaye eh! Uuwi tuloy kagad sila. bat ka kasi nagyaya eh.

Shut up.

oye. sira sofa namin dahil kay mimi. kinagat niya yung foam. nice one.


Sunday, December 24, 2006 •

Getting that feeling

Yee its Decamber 24 na pala! I just want to greet everyone a Merry Christmas!

Argh. I really cant feel Christmas. Err. I'm feeling sad.. and I don't even know kung bakit ako sad. Labo. (siguro kasi walang cabonara) ewan basta down na down ako since nag December.

Oh well. Nakatanggap ako kanina ng greeting from him. Yay. (Kaso tulog ako hanggang 4 pm eh) Happy Christmas din sayo!

Pooch ang daming pagkain dito sa bahay! Gusto niyo? Nyah.. akin lahat yun.. haha.

Hmm. Hopefully, maging maayos na ako bukas. Sanaaa lang.. family reunion sa tanghali (mom's side) and sa gabi naman yung kay Pop.


Thursday, December 21, 2006 •

Have a merry Crisis-mas

Ako dapat ay nasa Zambales ngayon, sa resort ni tito David at uma-island hop. Ngunit sa kasamaang palad ay naririto ako sa aming bahay at nilalabanan ang pagkabato sa pamamagitan ng pagbabasa ng PDLT notebook ko.

Hindi ko maramdaman ang presence ng Pasko. Okay so may Christmas tree sa living room namin, may mga bata na kumakanta ng boom tarat sa harap ng bahay, may nakikita akong mga Christmas decors sa paligid. So yun na ba ang Pasko? Yun na yun?! Whapakk!

Walang pasko pasko! Naghihirap ngayon ang mga tao, naghihirap at nagugutom ang mga Pilipino. Habang karamihan sa atin ay busy at namomroblema sa pamimili ng pang Noche Buena at pang pangregalo sa mga mahal sa buhay, karamihan sa mga Pilipino ay pinoproblema ang kakain nila bukas. (Gawd, para akong si Ma'am Manzano dun ahh..)

Nung naglalakad ako sa Katipunan, may batang nanghingi sa akin ng pera, bibigyan ko sana kaso ipang-yoyosi niya lang eh. ayos nga naman, wala kang pang-kain pero meron kang pera pambili ng yosi at pangkulay ng buhok mo!

***

may problema ako at hindi ko maipaliwanag kasi hindi ko rin alam kung ano. weird noh? basta pakiramdam ko may mabigat akong pinapasan na hindi ko alam kung pano sosolusyunan. baliw na ako inom kaya ako para makalimutan ko kahit sandali.. tsk tsk. kaso hindi ako marunong uminom eh at ayoko uminom. ta-taba na naman ako, wag na!


gift kay keith nung may crush sa kanya, akin na 'toh.


Thursday, December 07, 2006 •

phySICKs.

2 weeks ago, nakatanggap ako ng friend request mula sa aking.. err.. "childhood sweetheart". After 11 years hindi pa rin siya nagbabago. Yikee. Ang dami niyang girlaloos.. oh well, dati pa ang dami nang nagkakagusto sa kanya.. and he's uber cuuute din naman kasi. Bigla ko tuloy naalala nung bata kami.. kapag naglalaro kami ng power rangers, nagtataguan sa school at kapag nanggigil siya sa pisngi ko, kapag tinatawag ko siyang payatot. Pinagtatawanan ko din siya dati dahil hindi siya marunong mag swim at gumamit ng kickboard at may floaters pa siya. tapos bestfriends pa yung brothers namin, kaya ang saya talaga kapag nagsama sama kaming 4. whoa. Pero wala eh, memories na lang yun. Alam naman natin pareho na hindi na tayo katulad ng dati diba? Man of steel. Haha.

Oh my.. ang dami ko nang nagagastos sa week na ito. After ng lunch sa house nila Lelay (belated happy bday!) pumunta kami sa mall kasi ako naman yung taya. Nag stay muna kami sa Netopia ni Monique kasi maghahanap daw sila ng mga regalo para sa akin.. siyempre hindi ako pwede sumama. Nyaha. kumain kami sa yellow cab, kasi yun na lang ata ang matinong pagkain na medyo kaya ng budget ko. Humhirit nga sila ng burgoo, kaya ko naman sana kaso ayokong sagarin yung pera ko noh.

After namin na kumain, kinailangan naming maghiwahiwalay na kasi kailangan namin ni dids maghanap ng leggings. Pero dahil nasa mall na rin ako, naghanap na rin ako ng damit ko. Sa nafnaf sana kaso wala akong makitang gusto ko. Pumunta kami ng bench kasi may nakita akong patrol shorts dun na ayoos. Nahirapan nga ako sa paged decide ng pagbili.. may skirt din kasi ako na nagustuhan.. and yung mga shirts nila.. sa huli, nabili ko rin yung patrol shorts. Buti na lang kasama ko si diday, kasi kung hindi ko siya ksama, walang pipigil sakin na ubusin ko yung dala kong pera. May balak pa kasi ako na bumili ng shirt o kaya ng flipflops. Nyah. Fair next week, kailangan mag tipid kaye!

Sick. Last night hindi talaga ako makatulog. Nahihirapan akong huminga and nahihilo ako. Dati kapag ganyan ang nararamdaman ko, nilalagyan lang ako ni Lola ng Vick's vapor rub sa likod ko. tapos okay na ako. So yun, Vick's lang talaga ang solusyon. Hindi talaga ako papasaok sana, eh lahat halos ng subjects may long test. Craappy dog. Yoko nga mag make-up. And ngayon ay inaantok na ako dahil sa Neozep na ininom ko.

Nga pala, sa mga nagbabasa sa blog ko.. sana makadaan kayo sa Fair naming next week (Dec. 11 hanggang 14). Sana makadaan kayo! And dun sa mga inimbita ko, PUMUNTA KAYO! Nyahaha.

Sige na. inaantok na talaga ako plus kailangan mag review para sa PhySICKS (phySUCKS) plus nanonood ako ng Asian Games (swimming) kasi sabi ni pop, panoorin ko daw tska para matuto ako mula sa kanila. Yikee.

nag bake nga pala si keith ng cinnamon rolls sa school niya. uber YUMMMEEEE.. tom nga pala ay kami naman, Dark choco cake and jelly roll. yay. can't wait..


Sunday, December 03, 2006 •

caught on cam
















err.. some pictures na nakuha ko mula sa aking phone.. hehe

1). road signs 2). leo.. uhm kasama ba dyan yung pawis..? haha. 3). pat and elene.. waiting.. 4). uyy. si renee.. 5). heidie fixin the hair 6). nakatulog sila sa class.. 7). no money no entry 8). ang asim mo redondo 9). henna 10). yung 3 makukulit.. 11). loveteam 12). ankyut 13). mga crush namin ni jocay 14). keith and mae 15). kissing an angel.

















bagay ba sakin ang kuloot? hahaha. bleh..



 
C is for Cookie ♥