<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d18562964\x26blogName\x3dHey!\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://kiddykookie.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://kiddykookie.blogspot.com/\x26vt\x3d-2552456374051861252', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>










Monday, November 13, 2006 •

HIS december 5 group of love

physics

teacher : class hindi niyo na kailangan kabisaduhin yung value ng K huh..
classmate1 : maam.. ano po yung value ng K?
classmate2 : ask mo si *insert his name*.. he knows the value of K.

before economics

classmate1 : ay tingnan mo to oh.. tingnan mo sino kabirthday niyong dalawa.. (tas nakita ata nila na andun lang ako sa tabi tabi) kelan nga ulit ang birthday niyo...? december 5 diba..

before health

classmate1 to him : alam mo bagay talaga kayo.. ui.... parehas pa talaga kayo ng birthday.. ano yun kambal kayo.. hahaha. isipin mo pag nagkaanak kayo tas ano kaya ang birthday.. December 10? haha...

health

him : so ang group name namin ay *his name*'s December 5 group of love. (anong kalokohan yung groupname na yan.?! poocha.)

(nag discuss ng advatages of owning a car)

- pogi points..
classmate3 : ui.. para kanino..?
- komportable
classmate 4: haha. alam na.. (whaaaat the fuck?)
- makakapamasyal kahit saan..
classmate 3: kasama si ano sa gateway.. haha..
classmate 5: alam na.. (ano pinagsasabi niyo..?)
classmate 4: nagdedate sa gateway sila ni ano..

after ng vocal music sa may parking lot..
(habang nag wawarm up sila sa track)

classmate4 : *insert his name*.. ui.. *insert his name* tingnan mo si ano oh..

SHIT. as in SHIT talaga. paano nila nalaman yang gateway thingy na yan. anong date sa gateway ang pinagsasabi niyo?

okay sa obvious naman na yung kami yung inaasar dahil sa birthday, sa class namin sakin siya inaasar plus yung gateway thing (alam ng mga classmates ko na madalas ako sa gateway pero hindi nila alam yung story talaga sa gateway).

siguro akala nila na nag date ( na naman..?!?) kami.. at sa gateway pa huh.. NOOOooo.. okay so ganito ang nangyari. me and my mom went to gateway after ng enrollment and dahil bad trip ako nung araw na yun, andun lang kami sa isang table sa may foodcourt. and then biglang may lumapit samin,.. siya and yung dad niya.. nag-usap yung parents namin and blah blah pero hindi nga ako nakikinig (nakatalikod talaga ako).. pero i think ang pinag-uusapan nila ay yung mom niya.. and blah blah.. tapos umalis na sila at nag goodbye siya sa mom ko.

yun lang yun. walang date na naganap.

so pano nila malalaman yung gateway na yan kung hindi ikaw mismo ang nagkwento sa kanila..? tsaka parang enjoy na enjoy ka pagrereport mo kanina sa health ah.. ikaw talaga yung nag present. WOW. kung gusto mo talaga matigil na ito sana tumigil ka na rin diba.. kasi asar na asar na talaga ako.. ako na nga mismo yung umiiwas, pero andyan kayo..

grade 5 pa lang tinutulak na nila ikaw sa akin (as in yung literal ah). nung grade 6 ginagawan na nila tayo ng kwento at sinusulat na nila sa yung "*insert his name* loves kaye" sa desks, sa kalsada, sa blackboards, sa walls at sa mga workbooks nila. tas yung angel na song ni shaggy. nung grades 7-9 wala masyado.. tapos eto ngayon.. andyan na naman kayo. sabihin niyo sa akin kung wala akong karapatang maasar..
hindi ko nga alam kung saan nagsimula yung issue na yan eh. okay naman tayo diba.. wala naman tayong problema, kapag english nga nagkakakwentuhan pa tayo.. tas yun pala. kinukunan na nila tayo ng mga pictures nung times na yun.


sana tumigil na lang kayo.



 
C is for Cookie ♥