<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/18562964?origin\x3dhttp://kiddykookie.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>










Sunday, December 11, 2005 • UPIS week ; unFAIR

so next week UPIS fair na. first time na hindi ako excited.. kasi dati super excited ako sa fair. masaya kasi ang fair. may paint ball wars, slide for life etc. masaya talaga. lalo na nung first year ko sa highschool. may mga booths.. andaming games.. andaming food.. mag-eenjoy ka talaga.

tas pag gabi, battle of the bands sa first night, sa second night acoustic tas third yung pinaka astig kasi concert. nag-iinvite sila ng mga sikat na banda para kumanta. may highschool dance pa nga dati eh. tas puyatan. sobrang ingay. sobrang saya.

pero hindi na iyon mangyayari ngayon..
pangarap na lang sila ngayon ng isang UPIS student.
wala na akong kilalang estudyante ng UPIS ang excited sa darating na fair.
siguro ang ilan ay excited na lang sa kick-off ceremony, which is the cheerdance competition ng bawat batch.

ako nga hindi na rin eh..

let's start with the cheerdance competition.
siyempre cheerdance, dapat may costume. ginagastusan yan. biruin mo ba namang 100 pesos ang max na gagastusin ng bawat student sa suot niya! hello?! t-shirt plang kulang na yan.
bawal kumuha ng choreographer. bawal may magturo. pero yung isang batch meron. basta. haaay.. kaya ato ang mga pep sa batch namin hindi magkanda-ugaga sa pag-isip ng sayaw. tas ayaw kami payagan na makapag practice. hindi daw pwede. wah. haay. ano ba yan?! ewan ko!

fair.....
haay..
sa mga sinabi ko kanina, booths nalang ata ang natira.. and i dont think na ganun din kadami tulad ng dati. wala na talaga.. ewan ko. bakit ganun?!

napadaan ako kahapon sa UPIS, andaming booths. punong puno. punong puno din ng mga kotse?!

tas nung friday. mag nag se set-up ng stage. nilalagyan ng decorations ang school, inaayos ang library. inaayos ang multi, piniturahan ang estatwang si LOrna. nagwawalis ng nagwawalis ang mga janitor.

kaso, hindi po yan para sa fair... yan ay para sa alumni homecoming.
unang una, aayusin lang ba ang school pag may bisitang darating? tama ba iyon? sunod, kung sila ay ginagastusan ng ganoon, ay bakit hindi rin gastusan ang fair. sa palagay ko malulungkot ang mga ate at kuya namin na dumating kahapon kapag nalaman nila ang kasalukuyan naming kalagayan ngayon. alam ko, hindi nila naranasan ang kasalukuyang dinadanas namin ngayon.

mula kinder sa UPIS na ako. lahat na naranasan ko. kami ang nagpatayo ng k-2 bldng. naranasan namin na madissolve ang mga sections. sa batch 2005 naputol ang ang grade 7 admissions sa UPIS. naranasan namin magkaroon ng wednesday bilang araw ng araw ng org meetings at homeroom period at ito ay halfday lamang. ngayon. wala ng pasok pag wednesday. tas 4:30 na ang pinaka maaga naming uwian. tas hindi na ginagamit ang old bldg. then next school year, lilipat na ang mga elem sa hayskul.

ano kami mga daga tulad ng ng sa Skinner box na pinag-eeksperimentuhan? kung ano ang mangyayari sa amin?!

kalokohan hindi ba?!

ewan ko.

alam niyo na siguro kung gaano kahirap ang UP.

pero sa admin, sa may oblation at sa bahay ng alumni aba at punong-puno ng chrismas lights ang buong kapaligiran.

Mahal ko ang UP. pinalaki ako sa kapaligiran na UP lang ang tinitingala. sa bawat tao na nagtatanong kung saan ako nag-aaral taas noo kong pinagmamalaki na ako ay taga UPIS at natutuwa sa respeto na ibibigay nila para sa akin at sa aking paaralan. pero hindi na ako natutuwa sa mga nangyayari. sinasabi ko lang ang totoo sa nangyayari sa amin.

ganyan kaming mga taga UP. Unibersidad ng Pilipinas.



 
C is for Cookie ♥