<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/18562964?origin\x3dhttp://kiddykookie.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>










Friday, December 23, 2005 •

hay. nanonood ako ng oprah's fave things. wah. grabe. oprah the modern santa. ilan toh sa mga binigay niya. bawat tao sa studio na nanonood makakakuha ng lahat ng toh. wah. an dami nila. eto lang yung iba. hehe. sige stare.


Monday, December 12, 2005 •

So do day ngayon. haha. dapat maglinis at magdecorate kami ng homeroom namin. nag decorate naman kami kahit paano. hindi nga lang katulad last sem. so yun. then i got a message from diday.. sabi niya nasa starbucks daw siya. ako naman.. whaaaaT?! kasi mga 5 mins ago, nakita ko siya sa labas ng room namin. so sabi ko sa kanya.. "wah. bakit di mo ako sinama?!" then maya maya dumating na sila ni nicole. at may pasalubong siya sa akin ng caramel frapp. my fave. haha. akala niya galit ako sa kanya. wow. how sweet. thanks pusa.! then ayun mga 10:30, nagpractice na kami ng cheerdance. then mga 12:30, lunch break na. mia, millie and lelay invited us to go katips with them. hehe. ayun. sa mcdo. andami taga UPIS na naglalunch dun, we even saw gytha, thea and andrea (mga 08). andthen, nag text si jinger. nagtatampo kasi hindi siya nakasama. so kami.
wah. baka magalit siya. so nagmadali talaga kami. nag take out na lang. then silang lahat pumunta sila sa bookstore, mamimili ng gifts si mia. ako naman, i went to starbucks. binilhan ko si diday ng mga lollipop na super favorite niya (wah. dadagdagan ko pa ang mga yun okay. kulang pa.). bumili din ako ng belgian waffles, haha take out (lusaw na pagdating ko sa school). then dumating si diday, bibilhan niya si ava ng mocha frapp. then pumunta na kami sa bookstore, maya maya nakita namin sila sleg, krystal, laya, paola, paolo etc. kakain din sila.

wah. so bumalik na kami sa school. ang galing. haha. napagtripan namin ni ava si lorna (estatwa na naghahanap ng lapis, na bali balitang naglalakad pag gabi). ansaya. tas sabi nila nakakatakot daw yung mga solo ni lorna. tas sumali si pat. tas mga 2 pm, practice ulit. grabe nag cram kami. akala ko hindi namin matatapos. grabe. ang galing ng 07. sayaw lang talaga kami. hanggang 8 pm yun. so pagod talaga. 07 kaya natin toh! grabe... owsiyete... LOL.


Sunday, December 11, 2005 • UPIS week ; unFAIR

so next week UPIS fair na. first time na hindi ako excited.. kasi dati super excited ako sa fair. masaya kasi ang fair. may paint ball wars, slide for life etc. masaya talaga. lalo na nung first year ko sa highschool. may mga booths.. andaming games.. andaming food.. mag-eenjoy ka talaga.

tas pag gabi, battle of the bands sa first night, sa second night acoustic tas third yung pinaka astig kasi concert. nag-iinvite sila ng mga sikat na banda para kumanta. may highschool dance pa nga dati eh. tas puyatan. sobrang ingay. sobrang saya.

pero hindi na iyon mangyayari ngayon..
pangarap na lang sila ngayon ng isang UPIS student.
wala na akong kilalang estudyante ng UPIS ang excited sa darating na fair.
siguro ang ilan ay excited na lang sa kick-off ceremony, which is the cheerdance competition ng bawat batch.

ako nga hindi na rin eh..

let's start with the cheerdance competition.
siyempre cheerdance, dapat may costume. ginagastusan yan. biruin mo ba namang 100 pesos ang max na gagastusin ng bawat student sa suot niya! hello?! t-shirt plang kulang na yan.
bawal kumuha ng choreographer. bawal may magturo. pero yung isang batch meron. basta. haaay.. kaya ato ang mga pep sa batch namin hindi magkanda-ugaga sa pag-isip ng sayaw. tas ayaw kami payagan na makapag practice. hindi daw pwede. wah. haay. ano ba yan?! ewan ko!

fair.....
haay..
sa mga sinabi ko kanina, booths nalang ata ang natira.. and i dont think na ganun din kadami tulad ng dati. wala na talaga.. ewan ko. bakit ganun?!

napadaan ako kahapon sa UPIS, andaming booths. punong puno. punong puno din ng mga kotse?!

tas nung friday. mag nag se set-up ng stage. nilalagyan ng decorations ang school, inaayos ang library. inaayos ang multi, piniturahan ang estatwang si LOrna. nagwawalis ng nagwawalis ang mga janitor.

kaso, hindi po yan para sa fair... yan ay para sa alumni homecoming.
unang una, aayusin lang ba ang school pag may bisitang darating? tama ba iyon? sunod, kung sila ay ginagastusan ng ganoon, ay bakit hindi rin gastusan ang fair. sa palagay ko malulungkot ang mga ate at kuya namin na dumating kahapon kapag nalaman nila ang kasalukuyan naming kalagayan ngayon. alam ko, hindi nila naranasan ang kasalukuyang dinadanas namin ngayon.

mula kinder sa UPIS na ako. lahat na naranasan ko. kami ang nagpatayo ng k-2 bldng. naranasan namin na madissolve ang mga sections. sa batch 2005 naputol ang ang grade 7 admissions sa UPIS. naranasan namin magkaroon ng wednesday bilang araw ng araw ng org meetings at homeroom period at ito ay halfday lamang. ngayon. wala ng pasok pag wednesday. tas 4:30 na ang pinaka maaga naming uwian. tas hindi na ginagamit ang old bldg. then next school year, lilipat na ang mga elem sa hayskul.

ano kami mga daga tulad ng ng sa Skinner box na pinag-eeksperimentuhan? kung ano ang mangyayari sa amin?!

kalokohan hindi ba?!

ewan ko.

alam niyo na siguro kung gaano kahirap ang UP.

pero sa admin, sa may oblation at sa bahay ng alumni aba at punong-puno ng chrismas lights ang buong kapaligiran.

Mahal ko ang UP. pinalaki ako sa kapaligiran na UP lang ang tinitingala. sa bawat tao na nagtatanong kung saan ako nag-aaral taas noo kong pinagmamalaki na ako ay taga UPIS at natutuwa sa respeto na ibibigay nila para sa akin at sa aking paaralan. pero hindi na ako natutuwa sa mga nangyayari. sinasabi ko lang ang totoo sa nangyayari sa amin.

ganyan kaming mga taga UP. Unibersidad ng Pilipinas.


Tuesday, December 06, 2005 •


ginawa ni diday sa paint ng 8 hours. wah. thank you.. haha. LOL. super thankZs..


Monday, December 05, 2005 •

hehehe.. a wonderful day... halos lahat ata ng nakita ko na kakilala ko ay binati ako ng happy birthday... haha.. lalo na nung flag cem. heheh.. ankulit ni pat. kinakantahan pa ako. pero thanks fatty.. haha..okay na sana birthday ko kaso school works.. wah. wawa ako. anyway binati ako nung st namin sa health, wah. nanood kami ng heart surgery tas dun sa latter part nakatulog ako. then pinoy, nakalimutan ni maam poli the ever favorite ang birthday ko. kaya tampo mode ako knina...
wah. then social na. reporting. siyempre inasar na naman kami nung mga classmates ko kasi mag ka birthday kami. im used to it anyway. every year ba naman eh. nakakaasar yung kumakanta kanina ng "birthday mo, birthday niya..." kanina ah.. sayo na kumakanta nun, get a life! so nag report kami, sinubukan ko na ibigay kay maam oyzon yung ineexpect niya sa report namin. wah. nag cite pa ako ng sobrang daming examples at sobrang inexplain ko yun ah. sana nakinig kayo sa report ko. hindi ko yun inembento, pinag-isipan ko yun.nakaktawa rin pala yung game nila millie. haha. i have some pictures here! anyway.. late na ako nakauwi around 6:30 na ata. naiwan kasi kami ng service. so ayun me and my fam went to the mall to celebrate my birthday. haha. andami food.. andami pa nga take out eh.. haha. sobrang full ako. LOL. after nun namili kami ng shirts ko. mga 4 yung binili namin plus yung kahapon pa.. so lima lahat lahat. haha... warp. anyway gotta go na.. wah. 6 mins na lang dec 6 na. kailangan ko ulit maghintay ng one year.. happy birthday lelay. its your turn... :p



 
C is for Cookie ♥