<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/18562964?origin\x3dhttp://kiddykookie.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>










Friday, July 27, 2007 •

Last week, sinabihan kami ng Prof namin sa Psy na gumawa ng dream journal, and simula nun ang weird na ng mga napapanaginipan ko.

I had this dream na sa 18th birthday ko daw ay sasabihin na sakin ng parents ko na adopted lang daw ako. Yung friend ko naman, napanaginipan daw ako na nag jo-jog sa freedom park and kasama ko daw si you-know-who. Yee.

naligaw kami ni Dan kagabi sa Araneta. Imagine 2 college girls na naglalakad sa streets ng Cubao na may dalang malalaking bags and kahon ng cakes. Fucktard. Hindi tuloy kami nakapag timezone, tekken sana kami. :((

Hmmm.. draco malfoy, Fred, hedwig, lupin, tonks etc. may common daw na mangyayari sa kanila. hahahaha. Dami kasing spoilers dun sa LB, I swear pag nakita ko yung gay spoiler dun sa dorm namin,, papatayin ko sha! Avada Kedavra!

PS; panalo kami sa debate!


Sunday, July 22, 2007 •

Hello dudettes!

The other day nagtingin kami ng parents ko ng possible na soro na sasalihan ko.Yep that's right, I'll join nga but next year pa. Pag nakalipat na ako. Niyaya ako ng roomie ko dun sa soro ng ate niya and si Yosiboy, binigyan ako ng primer sa frat niya. Sige may one year ako para mag-isip, siyempre pipili ako nung hindi magulo and hindi puro lakwatsa lang. Im quite serious pagdating sa plans ko sa buhay ko.

Sa organizations naman, may nag rerecruit na samin ng mga blockmates ko. Nagtetext na sila samin kaso bawal pa no. I have no plans na ma-suspend ng one year. Pag nakalipat na ako, dun ko na lang iisipin yan.

Okay so im currently using my brother's phone, really really nice of him na ipahiram sakin yung phone niya cos yung phone na binigay sakin ni Pops walang signal sa LB. poor me.

Hopkins or Wright? Wright ako, and yung parents ko kay Hopkins. Hopkins is way too old for this shit, he's 42 na yata pero natalo niya si De la Hoya before. While si Wright natalo niya yung mga tumalo kay Golden Boy and maganda ang record niya. Exciting. Geesh, bat ako nanunuod ng boxing? My uncles kasi are boxing enthusiasts and pati pala si lola, bumili pa siya dati ng Ali doll nung nag visit dito dati yun. okay that's kind of freaky..

Adios for now, punta kami sa UP shopping center to buy maroon shorts for my PE class.


Friday, July 20, 2007 •

Ang Diyos ba ang gumawa ng tao o ang tao lang ang gumawa ng Diyos?

Okay so we had this homework sa isang subject, ano daw ba ang position namin sa Creationism and Evolutionism na yan. Kung hindi ako nagkakamali, nagkaroon na kami ng debate about that nung 5th grade pa lang. (iba talaga ang UPIS Education!) Kahit Catholic ako, mas naniniwala pa rin ako sa Evolutionism.

Pinapili kami ng Prof. namin; quiz or debate. siyempre sa debate kaming lahat, sino ba may gusto ng test? Kasoo, 7 lang kami sa Evolutionism and 30 plus sila sa kabila.

the debate went well for our team, nakapag bigay kami ng enough na evidence and na-counter namin ng maayos yung mga binabato nila, while sila puro bible lang and hindi pa concrete. Then naiisip ko na i-question ang authenticity ng Bible. Medyo tagilid na rin sila and its quite obvious na wala na talaga silang makapitan, mere faith and bible only. Nasabihan na nga sila kasi nilalayo na nila yung topic talaga, napunta na nga sa Elements.

yung isa ko namang groupmate ike-question sana si Adam and Eve, kaso instead na si Eve, Eden nasabi nia (napagtawanan tuloy kami) and lumalayo na kami sa topic at naging walang kwenta plus wala nang time. Nag decide si Prof. na continue na lang sa Tuesday.

E: diba naniniwala kayo na si Adam and Eve ang unang tao sa mundo?
C: oo
E: tapos yung anak nila 2 lang diba, both are guys pa. pano tayo dumami? mi-nate nila yung nanay nila? Incest yun!!!!

C: Energy cannot be created nor destroyed!

hahahahahahaha!

Argh. so ngayon kailangan kong mag research. Marami na rin akong naiisip na ibabato sa kanila and possible na pang counter. heehee. :)


Sunday, July 15, 2007 •


Many interesting things happened this week and uhhh.. I can't share everything. hahahaha.


katulad ng HP movies, na hindi mabigyang justice yung books, kasi imposible din naman na ibigay mo yung every itsy bitsy detail. Hindi ko rin kayang i-blog lahat, cos makakatulog lang kayo and I'm not making any sense na. lol.


Me and my dormmates went to this Freshie night sa Baker. It was fuuun! met lots of people ( I can't remember their names na). Okay sana kaso twice nagkaroon ng power interuption, kamusta naman yun? and yung friend ko naghahanap ng ghost habang walang kuryente. Ginawa rin naming ethnic dance yung mga kanta ni Nelly and we did the "amoy your kili kili" step. (kakapanood kasi ng sandayaw)


anyway nanuod ako ng HP5 sa Trinoma with my mom and Keith. (nasayang pala kay Keith, kasi nakatulog siya) Na-excite naman ako na nakikita ko na sa bigscreen yung book na binabasa ko lang 4 years ago, and medyo nalimutan ko na rin yung story. Maganda naman yung movie, yun nga lang magbasa ka muna bago ka manuod.


(kasalukuyang binobomba ako ni carl ng criticisms sa HP.)


wala na si Sirius Black and sa next book si Dumbledore naman, pano na kaya si Harry pagdating sa 7th? waaah. gusto ko ng HP7, kaso ayoko bumili. hahaha. marami akong pinagkakautangan ng cake, mamumulubi ako kapag kung anu-ano ang binili ko.


Friday, July 06, 2007 •


Oh Dawg. I wasn't able to attend the "too fresh, too furious" concert at Vega cos uhmm... I had to review for my NatSci6 and Psy1 exams. So habang sila nag-eenjoy dun, ako naman ay nagpapaka loner sa room at nagrereview ng notes. Then nung exams na... Crap. FOUR items ONLY. yung first 2; true or false and yung latter multiple choice. So I was ultraMEGAfuckingly pissed. Oh well... I do hope na perfect naman sana yun. I got lost sa last question.

From now on, hindi ko na kakalimutan si John Watson and yung Sikolohiyang Pilipino, dahil sa kanila 27/30 na lang ako sa Psych. And why am I so stupid para isipin na joke lang na parrot yung bird sa seal ng UP. Parrot pala talaga yun, stupid stupid me.

Kabado kaming pumasok sa SocSci, we’re all scared of the Toro sessions. Good thing pumasok si Manong with the TV and DVD player, manunuod daw kami ng Joan of Arc. Boohoo! Jeanne, the Maiden from Lorraine... She was indeed sent by God!


Humanities 2 is killing me. After nung art gallery and art criticism, sandayaw naman next week. May group report pa kami about Art and Religion and timbre & rhythm specimens hw na naman. Nooooo!


Anyway, the biggest Freshie night is nearing and pupunta ako (dami kasing Freshie night sa lb). Yee! I'm uberdooperly excited, tho hindi ko pa alam kung sino kasama ko dun. roomates ko na lang siguro. hahaha!


***


me and my roommate, Dana!

PS; Mom told me na tumaba ako! Geesh. oh I know exactly why.. dahil sa french fries, cello's , cordon bleu and krispy kreme. Oh noes... And 2 weeks na rin akong hindi nakapag jog. I'll try na mag jog later, sa saturday and sa sunday. and I'll add 200 sit-ups sa ginagawa ko every night, so that means 500 na. no eating again!




 
C is for Cookie ♥