<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://draft.blogger.com/navbar/18562964?origin\x3dhttp://kiddykookie.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>










Tuesday, October 31, 2006 •

okay so i woke up really early this morning. ang lahat ay natutulog pa and then naisipan kong magonline. haha. kung hindi niyo alam, siguradong mapapagalitan ako ng nanay ko dahil sa sobrang aga ko sa tapat ng pc. so nagmamadali talaga ako and then poof.. biglang nag error.. so ang ginawa ko, pinatay ko ng pc dahil baka mahuli ako ng mom ko. unfortunately ayaw mag shut down ng pc.. and blah blah.. hanggang sa nasira ko siya.. whoaa..

and then nagising ako ng hapon and kunwari wala akong alam sa kahit na anong nangyayari, binuksan ko ang PC na umaasang may milagrong mangyayari at magbubukas siya. MALAS.. ayaw mag boot.. ang blah blah is missing daw.. oh crap. and sobrang malas ko, hanggang October lang ang abot ng warranty ng sira ulong PC na yun.. and tell me kung anong araw ngayon.. tell me.. Oct. 31.. WOW. so siguro kahit dalhin ko dun para ipa-ayos.. wala na.. Nov 1 tom and baka wala ring mga tao.. so yeah.. malas ko talaga..

julia roberts marathon ako ngayon. closer, monalisa smile and notting hill. nakakaasar ang closer.. really.. oh well someone told me na pinakita lang sa closer na "gusto ng mga guys na sila lang ang nakakalamang, kapag girls na yung nakalamang sa kanila.. tsk tsk..". mona lisa smile, oh naasar si kiersten kay kirsten dunst. eh nakakaasar siya eh.. wahaha. notting hill, my fave movie since grade 4. ewan ko ba kung bakit hindi ako nagsasawa sa movie na yun. "Im also just a girl standing here in front of a boy asking him to love her" - anna scott. haha. lagi naming nirerecite ni mia yun kapag naghihintay kami ng sundo namin sa bench ng school.. haha.

wah. hindi ako mabubuhay ng sira ang PC ko my gawd. sana makita ko bukas si kuya bing para mapatingnan ko sa knya yung Pc.. wah.. yey. makikita ko ang cousins ko tom. yihee.


Monday, October 30, 2006 •















"i never wanted the stars, never shot for the moon, I like them right where they are.. all i wanted was you!"

oh pretty fly food, bakit ba hindi ko siya makalimutan? bakit kahit na nilalait na siya ng mga kaibigan ko, eto ako.. inaaway sila at pinagtatanggol siya? Bakit hanggang ngayon umaasa pa rin ako? bakit hinihintay ko pa rin ang araw na magkikita kami muli? Bakit siya lagi ang laman ng utak ko? BAkit ikaw lang yung nakikita ko? Bakit ganon?

Hindi mo lang alam kung gaano mo ako napapasaya at napapatawa. Makita lang kita, halos tumatalon na ako sa sobrang saya. kung paano ako humagalpak sa kakatawa sa mga kalokohan niyo ng mga kaibigan mo. kapag sobrang down ako, makita ko lang yung pictures mo sa filecase ko napapangiti na ako. haaay..

alam mo ba lagi kang laman ng kwento ko, lahat na ata ng lumalabas sa bibig ko tungkol sayo eh. wala akong paki kung nakakasawa na yung mga sinasabi ko na tungkol sayo. alam mo ba na lagi akong nakatitig sa pictures mo sa cellphone ko? alam mo ba na yung pictures mo ang wallpaper ko.?

Oo mukha na akong baliw pero wala akong pakialam.

puchaaa namaan. kelan lang galit na galit ako sa kanya, pero ngayon.. whoaaa.. this cant be love! crap.

"You know that place between sleep and awake, the place where you can still remember dreaming? That's where I'll always love you, Peter Pan. That's where I'll be
waiting." -Tinkerbell


Friday, October 27, 2006 •

How i wish i was a kid again... skinned knees were easier to heal than broken hearts..

haay.. see.. thats the reason why i dont wanna fall in love. "LOVE is another silent reason to get hurt".

good thing nakalog ang utak bago ako tuluyang mahulog sayo. i thought I've found something in you, pero wala pala.. WALA.

no. hindi ako nag expect masyado katulad ng sinasabi nila.. masyado lang akong naniwala sa fairy tale namin.

gago si disney, napaniwala niya ako sa mga kwento niyang barbero.

oh well. my knight in shining armor turned out to be a loser in tin foil.


Thursday, October 26, 2006 • kiddy mee
























sinong nagsabing 16 na ako..? hahaha..



Walang Kwenta

simula nung nag sembreak walang nangyayari sa walang kwenta kong buhay.

nagsimula sa party ni herzl kung saan wala naman akong ginawa kung hindi makipag kwentuhan at makipagkulitan.

Sinundan ng USTET. poop. hindi na nga ako nagreview, nagawa ko pang maglaro ng gameboy habang hinihintay yung proctor. ayOos. oh well mas matino naman ang ginagawa ko kesa dun sa gril sa likod na naglalagay ng foundation. sa palagay ko madali lang ang USTET. kailangan mo lang ng common sense. oo. kailangan yun. haha. I swear may questions na wala sa choices ang tamang sagot. ooh gawd.. Pinilit pa ako nung proctor na mali mali na mag review. (forgive me, pero nakakaasar talaga yung proctor) hindi naman ako sumasagot ng basta basta, so malamang bago ako sumagot eh pag-iisipan ko na yun. and sa mga magtetest sa Benvidez(sp?) Hall, magdala kayo ng jacket.

at ngayon ang oras ko ay binubuhos ko sa pag mu-movie at korean soap marathon.

a lot like love. head over heels. freaky friday. a cinderelle story. the prince and me. chasing liberty. little manhattan. etc.

plus. tinapos ko kahapon ang 10 episodes ng Leobeu Seutori in Habeodeu. yep. so 12 hours straight ako kahapon. haha. nakakaiyak yung sa window ng bus, nung sumalis si Soo in at andami pa.. hindi ko lang maisip ngayon.

haha. bleh.


Friday, October 13, 2006 •

kailangan ko talagang isulat ang pag-uusap na ito kung hindi ay hindi ako matatahimik..

*blah blah*
kaye: okay.. so..
bakaloid: ganyan ka na porket ikaw lang ang may hw sa AC ah..
kaye: eh ano naman..
bakaloid: porket standing OBLATION ka nung tuesday ah..
kaye: ano..?!!? oblation..?!!
kaye to diday: tama ba narinig ko oblation?
diday: *humahagalpak sa kakatawa*
kaye: baka ang ibig mong sabihin ay ovation..
bakaloid: yun nga..

putek yan. hindi namin mapigilan ang humagalpak sa kakatawa pag napag-uusapan yan.

poop. nakakasabaw yung long tets sa trigo. nakakablanko yung proving, hanggang step2-3 lang ata ako eh.. 3points each din yun. okay lang yung physics, pero sana okay din yung grade na makuha ko.. naasar talaga ako dun sa last part ng problem solving.. nawala sa isip ko na ang dapat palang gamitin ay yung sa KE at hindi yung sa lintik na GPE na yan.. pinilit kong i-solve gamit ang GPE=mgh kaya yun.. diba hindi ko talaga makukuha yung bwisit na tamang sagot.
ang galing nung mga nagtalumpati kanina. yung kay jonjon laugh trip talaga.. andaming umiiyak sa kakatawa dahil sa mga hirit niya kasama na dun si Prof. Villegas.

ooh.. nilakad namin ang ang kahabaan ng katipunan mula Mcdo hanggang UPIS dahil tinatamad kaming tumawid at sumakay ng jeep. habang naglalakad nakaiisip kami ng ewan na kanta.. haha.. basta post ko na lang pag tapos na yun.. hehehe.. bleh..



 
C is for Cookie ♥