Tuesday, July 25, 2006
•
nagtitingin ako sa documents ko ng makita ko ito.. haha. matagal ko na tong ginawa pero hindi ko matapos. walang kwenta toh, ginawa ko lang siya para pagsamasamahin yung mga words na na naiisip ko nung araw na yun..
uhmm.. yung bida.. hulaan niyo nalng kung sino.. primitibong tibo sunog.. nasunog ang sinaing.. nang nognog na inahin.. tumakbo.. matulin.. para ang sinaing ay salbahin.. wala na.. kahit baliktarin.. itoy itim pa rin.. hindi na niya ito maiihahain. sa mga inakay na gutom pa naman din.. sa tiyan na suliranin ay sa iyak ibinaling.. sukdulan.. hindi na kinaya ang pananagutan.. hindi na kaya ang kanyang katungkulan.. kaya siya ay lumisan tumungo sa katipan.. salawahan.. mas gusto niya ng maraming bisugo.. si carlo ay tinungo.. isa sa kanyang mga esposo doon nagtago.. sa mga tungkulin silay hindi nanlumo.. sumayaw.. ang ating bida ay inaruga at sinunod ang layaw wala silang ibang ginagawa kundi ang sumayaw ang tanging saplot ay bahag,.. kawawang lalaki.. kahabag habag matapos makuha ang mithiin ang ulupong ay lumisan din sapalaran.. ang maynila ay pinuntahan dun niya sinubukan kung ano ang ibibigay sa kanya ng kapalaran ngunit kung edukasyon ang pagbabasehan siyay walang nakamtan siya tuloy ay napilitan magbenta ng laman sawi ang ating bida ay hindi nagtagumpay walang nangyari sa kanyang buhay umuwi ng malumanay sa malugod na bahay nang makitang ang anak ay kumaway siya'y halos mahimatay naiisip niyang dito'y lumagay panghabangbuhay
Friday, July 21, 2006
•
shit. kahapon, namatay yung dog ng neighbor namin kasi daw na-kuryente sa may gate. tapos kanina yung title ng poem ni hannah ay "death of a dog". ano ba? ano na naman yan... 'yoko ng mga ganyan. haay.
mas lalo akong kinabahan sa pag take ng UPCAT dahil sa guidance namin kanina. paano pag nagkasakit, nawala yung test permit, kapag nagkamali ka sa pagsunod ng directions. nakuha na namin yung results nung WRAT namin. average sa reading, above ave sa math at non verbal. woshoo. hindi nga ako naniniwala sa test na yun eh. basta, hindi talaga ako naniniwala. riot kaninang English. panalo yung poems ng mga classmates ko. yung kila jon at joseph yung "banana kid" na super grabe.. sasakit ang tiyan mo/maiiyak ka sa kakatawa. mas nakakatawa yung pag recite pa nila nun sa class. iba talaga kayo! yung kila louie at roberto naman ay tinranslate nila sa English yung "Narda" na mali mali pa yung grammar. yung kila beso at RA namanay pinaghalohalong songs na may word na love (where is the love + give love on christmas day + cleanin out my closet + as long as you love me etc.) na super saya din. when i was small i found latundan when i grew tall i favored lakatan when im alone i buy turon i love banana next to my momma it will stay forevah * basta halos ganyan din yung banana kid. pero grabe.. sobrang nakakatwa yan.. haay. CAT na naman bukas.. tsk tsk |
|
C is for Cookie ♥ |