<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d18562964\x26blogName\x3dHey!\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://kiddykookie.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://kiddykookie.blogspot.com/\x26vt\x3d-2552456374051861252', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>










Friday, June 30, 2006 •

dahil emo si diday at ava, emo ang theme ng crossword namin sa english kanina.. poison, suicide, darkness, misery, despair, "violin", black, sorrow, burden etc.. at emo daw pala ako.. hindi kaya..

hanggang sa AC tinatapos ko yung crossword namin, tapos ba naman may pinaparesearch sakin si master vargas (ms. vargas) tungkol sa de*th. buti nalang dumating si master manuel bago ako nakapag research sa library..

nag check kami ni master manuel ng kennings. ayoos.

maam rhea: alam mo ba na pinupuri kayo dito ng mga ST.. iba daw yung quality ng trabaho pag kayo ni jinger ang gumagawa.. pati yung mga teacher natutuwa sa inyo..!

aww.. best AC?!! haha. tinatanong pa nga ako kung gusto kong magturo sa grade 9. ano itatawag nila sa akin pag ganun, ate kaye?!! watdapak?!! masyado akong nag-eenjoy sa pag-AC.

parang ayoko nang kumain ng chicken.. o ng meat.. kasi may pinakita sakin sa English department na mga pamphlet.. halos umiyak na ako dahil dun sa pictures ng pang-aabuse sa mga hayop.. nabasa ko kung paano pinapatay yung mga animals na kinukunan ng fur, yung mga animals na ginagamit sa mga experiments.., yung ginagawang leather.. na kinukulong sa gas chamber yung mga lalaking manok..

ganyan talaga kasama tayong mga tao.. - maam rhea

if people saw how chickens were treated, they'd never eat another drumstick. - pamela anderson

buti shrimps ang ulam kanina.. :)



Tuesday, June 27, 2006 •

haay. nakakapagod talaga.. ohmygawd. andami nang kailangan gawin.. madaming kailangan pag-aralan.. may kailangan tapusin.. wah..

PE - table tennis. basura talaga ako.. kbado kasi ako eh.. sabi ni coach robert easy lang daw.. pero ewan.. kinakabahan talaga ako.. tapos yung pagpalo ng bola.. ewan.. hindi lang siguro para sa akin ang table tennis.. swimming nalang.. hahahah..

Econ - 20 mins late kami.. eh kasi naman.. PE eh. kailangan mo pa magbihis at gumawa ng kung anu-ano.. tapos nasa new bldg pa ang Econ. kaya yun, late talaga.. walang kwenta ang pagrereview.. halos sabihin na samin nung teacher namin yung test. tama nga sila, madali lang talaga yung test, matagal nga lang gawin..

Physics - nag treasure hunt kami, gamit ang component method. eh ang dami nang nag manomano. so ginawa namin hinanap nalang namin yung resultant. ayos sana, kaso medyo naligaw ligaw kami.. tas kung saan saan namin hinanap yung treasure.

eh medyo napapagod/tinatamad kami.. ginawa namin, tumapat muna kami sa electric fan sa chem room. nakakaasar yung classmate ko, kuha pa siya ng kuha ng picture gamit yung phone niya. alam mo, kung gusto mo kunan ng pic yung crush mo bakit hindi mo na lang sabihin sa kanya.. idadamay mo pa kami sa kalokohan mo.

ayoos nga may dalang digicam sila joseph tapos nagkukuhaan sila dun sa may trash can.
si maulo nga pala ang nakakuha ng treasure. sayang.. dun na kami naghahanap kanina, tinamad lang kami.. haay.. wala ka talagang mapapala pag tamad ka.. 20 bonus points din yun.. tsk tsk..

Eng - ayoos. 10 na naman ako sa journal. 20 mins ko nga lang ata ginawa yun. tapos yung quiz, haay.. akala ko isang essay lang yung gagawin.. buti na perfect ko yung essay ko kaya nakakuha pa ako ng 5 points. wah. tapos quiz ulit.

after ng quiz game naman. haha. pinag-aagawan namin si mikey, eh ka-group naman namin talaga si mikey eh, yung isa kasi akala niya mananakaw niya yun. ano ka ba? pati ba naman tao ninanakaw mo?! hahaha. wtf? ayos. kami ata yung nanalo eh.. eh kumakanta pa naman kami ni slegna ng 10 little indian boys something na yun..

AC - best AC daw ako. wahaha.. okay. so ang tawag na namin ngayon sa mga CO namin ay masters at kami ang slaves.. waahaha.. kaso kami, aliping namamahay, and si jessy na tumutulong smain ni jinger ay aliping saguigilid. wahaha..

ano ba ginawa ko? uhh.. inayos ko yung mga manila paper.. after nun, tumulong ako kay jinger sa pag check ng diagnostic test ng grade 7. grabe,.. yung be verbs.. ang sinagot ba naman nila dun, become, beget. begin, being.. nabaliw talaga kami ni jinger.. tapos sabi nung mga ST, mahirap daw talaga yung test..

grabe, dumating si maam Fil (fil of the future)!! wah. grabe sa pisay na pala siya nagtuturo.. tapos kwentuhan kami.. ansaya saya talaga.. maam Fil, balik ka nalang sa UPIS.. wah..


Wednesday, June 14, 2006 •

err. tumawag ako kanina sa academic gateway. ayun, nagpa reserve na ako ng slot ko.. ayoos nga eh nung sinabi ko na UPIS ang school ko, alam nila na wala kaming class pag wednesday.. so yun, pinili ko na sched ay 8-12 am pag sundays. tapos tinanong ako ng kung anu-ano.. after ko ibaba yung phone, tumawag sila.. dahil public school daw ang UPIS may discount daw ako.. wah. hello? public?! STATE UNIVERSITY po kaya..!!! bwisit. hoy! nagbabayad din kami ng tuition noh! 40 pesos nga lang per sem.. hahahah..

ewan.

ano kaya kung hindi ako pumasa sa UPIS.. ??

grabe.. soobrang laki ng binago ng buhay ko nung pumasa ako sa UPIS. dati bata ako na sobrang mahiyain.. halos hindi nagsasalita.. tapos nakatira kami dun sa bahay namin sa Montalban. tapos gumigising ako ng 5 am para makarating ng maayos sa school ko malapit dito sa UP. tapos pagkatapos ng klase ihahatid ako ng service ko sa office nila mama.

tapos sa office ako gagawa ng hw. wala akong kalaro. nakikipaglaro lang sa akin yung mga officemates ni mama. tapos minsan andun si nico o kaya si king(anak ng officemates nila mama), magtataguan kami.. o kaya pupunta sa canteen.. sila lang yung mga kaibigan ko nun. pagkatapos maglaro matutulog ako, o kaya pupunta ako sa swimming pool. makakauwi ako sa bahay siguro mga 9:00 na. matutulog na lang.. ganun lang ang buhay ko dati..

hanggang sa grumaduate ako prep. tapos sabi ni mama i-try ko daw magtest sa UPIS ng kinder. una naiilang ako kasi sa ibang school grade 1 na kagad ako tapos sa UPIS kinder ulit (kinder lang tanging paraan ng pagpasok sa UPIS). nung una, ayoko talaga.. hindi ko naman alam kung ano ang UPIS at ang UP noon eh.. basta.. nag take lang ako ng exam. kung hindi naman ako papasa, sa St. Mary's ako, kasi malapit lang sa office nila mama.

tapos ayun, pumasa daw pala ako. ako naman hindi ko alam bakit tuwang tuwa si mama. ang sabi ko lang sa kanya.. ma, bili mo ako ng barbie ah.. tapos sabi niya.. kahit 10 barbie pa... ibibili kita.. ako naman sobrang saya..

tapos yun na.. umalis kami sa montalban, kumuha kami ng bahay na malapit sa UPIS, para hindi daw ako mahirapan sa biyahe.

minsan iniisip ko, pano kung hindi ako pumasa.. grade 1 na sana ako nun.. tapos ngayon college na sana ako.. pero panget din. kung hindi ako nag UPIS, hindi ko sana nakilala ang mga kaibigan ko dito. hindi sana ako naging kung sino man ako ngayon.. andami kong natutuhan sa paaralan na ito... hindi lang ang mga kaalaman na 4 na sulok ng silid aralan ang binigay nila sa akin.. binuksan nila ang mga mata ko.. hinulma nila ako sa kung sino man ako ngayon.. madalas nagrereklamo kami sa kakulangan ng pasilidad sa UPIS. pero kahit ganun dito, hinding hindi ko ito ipagpapalit.. hindi ko igugugol ang labing-isang taon ko ng pag-aaral dito sa ibang paaralan diyan..

at ngayon.. natitira na lang sakin ay isang taon sa paaralang ito.. lulubus lubusin ko na ang huling taon ko sa UPIS,.

minsan, nakakasawa na yung uniform na yun pero alam ko na kapag dumating ang araw na huling beses ko nang kailangang isuot yon, iiyak ako. isang taon na lang..

- diday









 
C is for Cookie ♥