<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/18562964?origin\x3dhttp://kiddykookie.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>










Friday, March 24, 2006 • NEVER!!!

hello. ayan. natapos lang kanina ang perio. monster. haha.

pagkatapos ng napakahabang perio sa english, pumunta kami ng PA para tapusin na ang job 6. crap. nakuryente ako. pero alam ko talaga tinanggal ko na siya sa saksak. anyway, ayun napasigaw ako tas inasar ako ng teacher na yun. whatever. siyempre nawala pa yung drawing ko ng job 6, so kailangan ulit gumawa.

so nagpunta kami ni mandee ng mcdo para mag lunch. ayun. kwentuhan lang kami dun hanggang 3 pm. andami namin napag-usapan.. sobraa.. tas bumalik kami sa school para sunduin si diday. ayun. nag lrt 2 kami mula katipunan hanggang gateway. ansaya. tas pagdating dun, pumunta kami sa sinehan. kasooo.. late na kami,. tas yung ibang movie matatapos na nang 7 pm, aksaya masyado sa oras. kaya yun, nag timezone na lang kami. bumili kami ng 3 cards. siyempre. haha. ayun enjoy. kakatuwa yung ibang games.. enjoy yung basketball at spider stampede. tas pinapalit namin yung mga tickets.. tas kumuha na lang kami ng bracelets.. para parepareho kami.. then onting libot sa gateway.. haha..

tas pumunta kami sa shopwise para kumain. haha.. ansaya. hahaa. dapat kasi gonuts, kaso kakatamad umikot. tas ayun.. dapat uuwi na kami kasoo.. sabi ko, bibili lang ako flip-flops ko sa sm. eh nakita namin yung fiesta carnival.. so nag parang bata kami.. wow. nakita namin ni mandz yung viking, eh si mandz nakapag viking na kami ni diday hindi pa. kaya yun bumili kami ng tickets.. tas parang natakot din ako sa viking, kaso mapilit si mandee. kaya yun. una ansaya saya kasi ang gulo gulo namin tas tatlo lang kami....

nagsimula na.. ooOOooohhh..... ansaya.. tas sumisigaw kami ni mandee.. tas si diday.. ayaw na daw niya.. akala naman namin ni mandee nag jojoke lang siya... tas maya maya, umiiyak na siya.. at totoo na... takot na talaga siya. so kami ni mandee, natakot na kami. pinastop na namin yung viking. kaso, kailangan dahan dahan ang stop nun, so medyo natagalan pa kami. pagbaba namin. wah.. SORRY DIDAY! ayun. nakatingin samin lahat ng tao. pero wala kaming pakialam.. tas yun. nag sm na lang muna kami. (gawd nahihilo din ako) so yun. bumili ang ng flip-flops. tas pagkatapos nun, nag taxi na kami pauwi..

wah. NEVER NA TALAGA AKO SASAKAY NUN!


Monday, March 20, 2006 •

asar na asar talaga ako kaninang english.. ayun. catcher in the rye na naman. tapos may activity.. at grabe.. the best ang groupmates ko.. tas ang dali pa nang napunta sa amin..


there are three mentions of "falls" described in the cather in the rye
1. holden's thoughts about children falling off a cliff, and him catching them.
2. the "fall" Mr. antolini said holden is coming to
3. children who are falling off the horses in the carousel
describe the events in the novel in which these "falls" were brought up. what do they symbolize? compare and contrast these falls..


so san ka pa.. napakaHIRAP niya.. wah.. tapos may hw sa chem, algeb. may quiz sa algeb. yung sa cs pa kailangan tapusin yun. asa pa ako sa groupmates ko..

so una kong sinagot yung no. 3, kasi yun yung una kong nakita.. so ang haba haba na nung nasususlat ko.. kalahati na ng oslo paper.. tas napansin ni maam fil na ako lang gumagawa.. tas sabi nila tutulong daw sila. hati hati kami. yung isa naman siya na lang daw magrereport. duh. andali lang magreport..

and then. yun. sabi nung isa siya na daw bahala dun sa dalawa pa na kaialangan sagutan. then nakatanggap ako ng note. ako na daw umisip kung anu sinisymbolize nun.. wah.. tas nung binuklat ko yung laman nung note...


1. here, he wants to be the catcher in the rye. the catcher of the kids falling from the cliff..
2. he will fall in his life because of his attitude.


WHATTHEF*CK??? ano yun??

hoy. pinaghirapan ko kung ano man yung nagawa ko kanina.. hindi yung katulad nito na isang minuto lang ginawa.. tska.. hello...?! binaliktad mo lang yung words pare... wala kang ginawa.. ahh.. kasi inaasa niyo sa akin.. what the f*ck.. sana nag indiv na lang ako.. hindi pa ako naasar ng ganito at wala pa akong kahati sa grade.. wah... GRRRRRRRRR.......... bwisit talaga..


chem - haha. oras para gumanti. gumanti ako sa ST. wah. kasi alam ko bababa talaga ang grade ko ngayon. at yun ay dahil sa kanya.. wala siyang kwenta.. nakakaasar talaga...

PA - long test. hindi ako nagreview.. wah.. haha.. ayun. naghula.. hahaha

health - DALAWANG long test.. san ka pa?

FIL - nag prac para sa play. tas tinanong ako ni sir kung sa tingin ko daw ba kaya bukas yun.. sabi ko hindi siguro.. tas nung pdlt na, sabi ni hedie na move daw sa 27..

PDLT - PARTEEE... ayun.. ambilis naubos ng donuts ko. tas yung isa pa, akala naman niya siya may dala kung makakuha siya ng pagkain.. haaay.. ganun siguro talaga siya pinalaki.. tsk tsk.. wala nga siyang dala kahit na ano eh.. tsk tsk.. mahiya naman.. ang kapal ng mukha.. tas nagtira ako ng 2 donuts para kay diday at jc. kasi naman, alam ko naman na may training pa sila at alam ko magugutom sila.. heheh.. siyempre napagdaanan ko rin naman yun kahit paano..

ewan.. pang galit ako sa mundo ngayon ah.. nag-aala holden na ba ako nito? nOooooo..!!





 
C is for Cookie ♥